Customize Search

Monday, September 7, 2009

TALAMBUHAY NI TABOK DILAG

Ang nilalaman nang artikulong ito ay halaw sa "profile" ni Councilor Dilag sa kanyang "Friendster Account"

literal na Anak-Mahirap ang noo'y batang si Remigio Gatdula Dilag na mas kilala sa tawag na "Tabok". nguni't sa kabila ng kahirapa'y laging nasa puso't isipan niya ang makatapos ng pag-aaral na pinanghahawakan ang prinsipyong "hindi hadlang ang kahirapan sa pagtupad ng mga pangarap"..Kaya, namasukan siyang construction worker, tricycle driver, magsasaka, tindero sa palengke, matadero at madami pang iba na sinabayan niya ng pag-aaral o pagiging working student...Nang makatapos ng kolehiyo'y naging Market Inspector ng Trece. Ang Tabok na dati'y isang tahimik, simple,mahusay makisama, mapagkumbaba pero may lalim ang angking katalinuhan ay may itinatago palang kahusayang sa liderato bilang politiko...Ang binhi ng napaka-epektibong liderato ni Tabok ay nabungkal nang manalong kapitan noong 1989, nadiligan nang maging ABC President, yumabong nang maging Konsehal sa Sangguniang Panlungsod ng Trece..at sa kanyang panghuling termino'y nahitik sa bunga nang maging CCL President at naging Ex-Officio Provincial Board Member...Ika nga'y nararapat na ang mabungang liderato ni Tabok na siksik at liglig na binhi ng karunungan at karanasan ay kailangan nang lubusang mapakinabangan na ng mamamayang Treceño...Ang Liderato ni Tabok na hinubog at pinanday ng may 20 taon na dire-diretsong panunungkulan sa pamahalaan, ito ang isang napakalaking garantiya na magigiya niya ang Trece Martires sa ibayo pang kaunlaran pagdating ng tamang panahon, lalo na kung magiging tama ang desisyon ng taumbayan....Dahil wika nga nila'y, "mabuting pinunong bayan ang may gawa'y mamamayan...mabuting mamamayan ang may gawa'y pinunong bayan."

ANG VISION NI TABOK SA 2020

Makilala at magningning sa buong mundo ang Trece Martires City , ito ang isa nangungunang misyon at bisyon ni Tabok Dilag para sa ating minamahal na Inang Lungsod.
Isa na rito ang pagpagawa ng hahangaan at modernong gusali para sa Pamahalaang Panlungsod tulad ng city hall, police headquarter, health center, sport complex na international ang standard, PESO Office, fire department at marami pang iba.
Dahil kahanga-hanga ang disenyo at kalidad ng mga gusali kaya’t kung sakaling may mga dayuhang mapupunta ng Cavite at hindi nila makikita at makapagpakuha ng litrato sa mga gusaling ito’y para na rin silang hindi nakarating sa Cavite o baka masabi pang para silang hindi napapunta ng Pilipinas.
Siguradong magiging Tourist Destination ang Trece kung saa’y lilikha ito ng mga trabaho’t hanapbuhay sa ating mga pangkaraniwang mamamayan habang tiyak na sisigla at lalago ang mga negosyo at kalakalan. Ang mga proyektong pang-imprastrakturang ito’y bahagi ng “VISION 2020″ na magiging Dangal ng mga Treceño (Pride of Treceños) na maipagmamalaki nating lahat saan man tayo naroroon…sa loob at labas ng Cavite..lalo kapag tayo’y nasa labas ng Pilipinas.

No comments:

Post a Comment